Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH

Insert site title here


Blog EntryJun 28, '09 1:53 PM
for everyone

...nag-general cleaning kami dito sa room. Mga ilang garbage bags ++ lang naman ang naitapon.

At nang makita ang can of Alaska Salmon sa cupboard, naisipan namin na gawin itong midnight snack. Dahil walang tinapay, kanin na lang ang isama sa salmon.

Mervyn: Uy. Magsaing ka na.

Jason: Ayoko kumain ng salmon na kanin ang kasama. Gusto ko tinapay.

Mervyn: Grabe lang.hindi to tungkol sayo. Tungkol to sa atin.

Jason: Ikaw na lang kaya magsaing.

Mervyn: Di ako marunong magsaing e.

Jason: Sige. Tara na. Tuturuan kita.

Ryan: Mag bato-bato pik na lang kasi kayo.

At nag bato-bato pik nga. Nanalo si Mervyn.

Nagsaing na rin sa wakas si Jason. Bow.

 

At hindi pa rin luto ang kanin, as of this moment.



Blog EntryMay 28, '09 9:01 AM
for everyone
Nag-alarm ako ng 6:30. Nagising ako ng 7.
Naligo ako. Hindi na ako kumain. Akala ko late na ako.

Greater Lagro Barangay Hall - COMELEC Satellite Registration
Maaga pa pala. But wait. May mga nakaupo nang tao. Umupo na rin ako sa gilid. Pero sa senior citizens pala 'yun, kaya lumipat ako.
Paano malalaman kung maaga kang dumating? May sign-up sheet na pinapasa. Doon pa lang ay marami na ang nagtatalo dahil kamo bumaba lang sila at sa harapan pa sila nakaupo kanina. Sabi ng katabi ko sa kasama niya na bukas na lang daw sila at saka na umalis.
Dumarami na ang tao. Naubos na kaagad ang upuan kaya nakatayo na lang ang bagong dating. Ang gulo. Paano malalaman kung sinong nauna sa mga taong nakatayo na lang?
Saka dumating ang taga-COMELEC. At last. At may computers nga.
Nagtatawag na rin ng pangalan mula sa sign-up sheet. Nang malaman ko ang bilis ng pagtawag ng mga tao, bumaba kaagad ako para magpaphotocopy pa ng mga kailangan ko: passport at official receipt ng student license ko. Hindi sa pinakamalapit na xerox machine dahil mahal sa kanila. Doon na ako sa tabi ng Tin-Tin.
Tamang-tama, pagkaupo ko saka tinawag ang pangalan ko.
Sapat na pala ang LTO student permit e. Pinaupo ako ulit para maghintay. Susunod na tatawagin ang bibigyan ng forms.
Pasado 9 AM na. Hindi pa ako kumakain. Umiinit na sa kwarto hindi dahil sa init ng summer kundi sa dami ng tao. Lumingon na lang ako para tignan kung may mga namumukhaan ako sa mga tao. Meron. Mga apat.
Nilipat ang table ng pagchecheck ng valid ID (step 1) sa likod. Sa harap ang pagkuha ng forms (step 2). At kailangang bumalik sa likod para mabigyan ng number (step 3) para sa biometrics (step 4) na nasa harap.
"...just call my name and I'll be there..."
"Say my name say my name..."
Ang tagal.
Eventually, nilipat na rin ang pagchecheck ng ID sa harap.
Nag-announce nang paulit-ulit na 300 lang ang matatanggap ngayong araw. Ineexplain nila kung ano ang mangyayari sakaling hindi na makaabot. Number 52 naman ako sa sign-up sheet so sa tingin ko makakaabot ako.
Natawag na rin ang pangalan ko. Binigyan na ako ng form. Sinulatan ko na. Triplicate pala dapat maaccomplish ang forms.
Tumawag ako sa tatay ko para tanungin kung kailan kami lumipat sa Lagro. Mga 14 years and 7 months na pala.
Saka ako pumunta sa likod para magpalagay ng number sa pila ng biometrics.
Sa pila, umalis ako para pumunta sa second floor (nasa third floor ang registration) para magpathumbmark. Pagbalik ko saka naman pumunta sa harap ang babae before me para tignan kung mabilis ba ang pila. Ayun, hindi na bumalik. Nasa harap na.
Nagkaroon ng dalawang lines sa biometrics dahil dalawa naman ang computer. Nandoon siya sa pangalawa, sa mas maikili. Suminigit.
Hindi ko na alam ang oras, dahil hindi ko na tinignan ang cellphone ko mula nang matext ko si Pito and Macy.
Malapit na ako sa unahan! Pero nagpapasingit pala sila ng senior citizens. Kaya hindi pa talaga ako malapit sa unahan. Pag naglilpat na ng upuan, tatayo ako, saka uupo ulit sa inupuan ko dahil may matandang umupo sa tabi ko.
Nagbilang ng limang tao. Hindi nakaabot sa akin. Pinapunta ang lima sa kabilang line, sa second computer, kung saan nakapila ang babae.
Eto na. Malapit na talaga ako.
Saka naglabas ng upuan. E may hilera na nga ng upuan sa biometrics. Inayos kami. Tapos, inayos kami ulit. Hindi. Lipat ulit.
Nandoon na ako sa harap ng webcam, nagaantay na makunan na. Tapos na, pero tila nagkaproblema ang computer. Pinatawag ng tao sa computer ang kaniyang boss siguro. Siya rin, hindi yata maayos ang problema. "Sandali lang ho, a!"
Pinalipat na lang ako sa kabilang computer, kung saan ko tinapos ang lahat ng kailangang tapusin sa biometrics.
Inabot ko na ang form ko sa huling desk. Pagkakuha ko ng stub, tinanong ko kung kailan makukuha. Sabi ng taga-COMELEC, matagal daw. "Gaano po katagal?" "Mga 3 weeks, 5 weeks."

VideoDec 23, '08 2:51 AM
for everyone
As seen from the field across the College of Mass Communications.
7 minutes. Ang tagal.



Photo AlbumCo Tec Tai Medical MuseumDec 22, '08 10:56 PM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
December 10, 2008
Taft Avenue, Pasay City

Nahiwalay ako sa IDC group ko dahil nagdorm pa ako. Kay Pito na lang ako sumabay. NagLRT kami. Pag-akyat ko sa station, nakapa ko ang basa kong bag. Buti na lang at nagsurvive ang ibang mga bagay-bagay (like the camera). Yung ID ko, nahulog sa may gutter (naretrieve naman) kaya baka kailangang ipalitan na.
At nauna pa ako sa IDC groupmates ko. :)

After the museum tour, nagjeep kami pabalik ng UP. Halfway sa jeep ride ko narealize na sayang naman ang camera sa isang jeep na pinuno namin.

Photo AlbumHistory 3: Treasures of Prof. EsguerraOct 23, '08 10:34 AM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
-Shayne Fajutagana wearing an Indian sari
-Ziella Verzosa wearing a traditional Korean summer dress (it belonged to Sir Esguerra's mother)
-A male Korean ornament made from ivory
-A Chinese jade ball (It was made from one solid piece according to sir)
-Jana Olivera and the Korean amber (?) comb
-Royal Thai drinking cups (I think)
-cloths from the Southern Philippines and other places

Blog EntrySep 29, '08 12:50 AM
for everyone
Toxicity levels high...

*sigh*

Blog EntrySep 29, '08 12:43 AM
for everyone
Nosebleed! Analogy-type exam.

Inaantok na ako. *Yawn*

(Malapit kasi ang classroom sa quadrangle, kaya may wi-fi :P).

Blog EntrySep 3, '08 10:48 AM
for everyone
Nakakainis!
Sana nagpumlit na lang ako.
Lalo lang nito pinalala ang aking sitwasyon.
:(

Blog EntryJun 8, '08 6:09 AM
for everyone
Since everybody is doing it, I am posting my schedule for the first semester of this school year.


I have a three-hour break every Tuesday and six-hour break every Friday. It's all Nat Sci's fault.
I'm "de-blocked" from block 14. They have their physics lab every Friday, are in a different section in bio lab, and have classes a period later than ours in hum 2.
So now I'm in block 13. Hello block 13!

The past week was a blast. Intarmed 2015 had its buddy orientation. The Intarmed 2014 section ID was officially launched.



My buddy is Ria Cabrera, from Miriam College. Hi buddy! You'll receive your buddy stuff soon. :)
The enrollment was the fastest and easiest that I had, except perhaps my freshman enrollment. It took only two days (that was fast for me). The only hard part was grabbing my medical certificate from the clutches of the UP Health Service. Luckily, I had to wait for only two classcards, unlike previous semesters (and future ones as well).
During the two days I spent in Manila, I was with Patrick, Gel and Des. Last Thursday, we watched the sunset at the Manila Baywalk after we sat at the center of stage in the Midtown wing of Robinson's Manila. The movie date was postponed to the next day since we were late for "Caregiver", which for me is a good film but still is a typical mainstream Philippine movie. We had dinner at Aristorcat in Remedios street and passed through the Malate bar district as we went back to Rob. After the movie the following day, we ate at Rai-Rai Ken (?) restaurant in Robinson's (beside the Aristocrat restaurant there).

I will be back to school in a couple of days. Woah.

Blog EntryMay 31, '08 9:58 AM
for everyone
Hooray! 'tis the end of May!
June na. Pasukan na ulit.

Ang bilis.

Photo AlbumThe Cat AlbumApr 2, '08 5:08 AM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
Maraming pusa sa CAS. May pusa rin sa compound sa Nakpil.
Kapag wala akong magawa ay kinukunan ko ito ng mga litrato.
Ang mga ito ay nakuha habang naghihintay ako sa CAS o habang nag-eensayo ang klase para sa isang dula.

Blog EntryMar 31, '08 5:16 AM
for everyone
Nag-aabang ako ng tren sa may Katipunan nang may nagtext sa akin. Bumati si AA ng happy birthday. Nagulat ako kung bakit niya ako binati nang ganoong kaaga.
Pagdating ko sa school, marami ring bumati sa akin. Nagtaka ako kung bakit ang aga. May nagsabi sa akin na iyon daw ang sabi sa Multiply account ko.
Nang malibre na ako sa school (after the triumvirate), tinignan ko. Woah. March 26 pala nakasulat sa Multiply account ko.
Sa mga bumati sa akin, maraming salamat! :D Sorry rin dahil maling date ang sinabi ko sa Multiply. Salamat sa pagsimula ng one-month countdown sa aking birthday. :D

At di mo na kailangang magsuicde Cheska. :P

LinkJul 14, '07 10:27 AM
for everyone
Link: http://pisaydiliman.multiply.com/video/item/1

Amidst the chaos of Martial Law in this Third World country in the 1980s, eight teenagers in the top high school for the sciences discover themselves as they go through the joys and pains of adolescence. They were the top two hundred students from all over the Philippines who passed the examination for the Philippine Science High School, which was created for the purpose of giving an education highly enriched in the Sciences to exceptionally gifted Filipino children. Selected from the best and brightest from all over the country, they endure college-level courses in biology, chemistry, mathematics, and physics from their sophomore year onwards. Those who can make it are hailed as the future science and technology leaders of the New Republic, those who don't are deemed unfortunate victims of natural selection. They all learn however that they are neither isolated from the real world, nor are they exempted from living real lives. They find the world outside, erupting into the People Power revolution in 1986 against the Marcos dictatorship, being replicated within the school as they struggle to graduate, contend with teachers, classmates, family, school officials, and a new classification to segregate students meeting the high standards of excellence from those who do not.

Kasama si Shayne Fajutagana of Pisay Diliman 07, three-year classmate in Pisay and my classmate in Intarmed 2014. Go Shayne!

Blog EntryDec 31, '06 3:41 AM
for everyone
Mabuhay na ang Multiply ko! Dapat lang. Bago mag-New Year.

Happy New Year to everyone!